Tungkol sa Distrito ng Hangin

Departments

The Air District’s departments are structured to create a responsive, flexible, and thorough framework to achieve clean air. Learn more about the District’s departments: Administration, Communications, Community Engagement, Compliance and Enforcement, Engineering, Information Services, Legal, Planning and Research, Strategic Incentives, and Technical Services.

Mga Pang-administratibong Tagatulong

Ang kagawaran ng Mga Pang-administratibong Tagatulong ay nagbibigay ng mga serbisyo sa negosyo, pasilidad, fleet, at pagkakaiba-iba, kapantayan, at pagiging kabilang sa Distrito ng Hangin. Pinamamahalaan ng pangkat na ito ang mga kontrata, RFP/RFQ, serbisyo ng fleet, supply ng negosyo, mailroom, mga pagpapatakbo ng mga pasilidad, at mga programa at kaganapan hinggil sa pagkakaiba-iba, kapantayan, at pagiging kabilang.

Pagtatasa, Pag-iimbentaryo, at Pagmomodelo (Assessment, Inventory, and Modeling)

Naghahanda ang Dibisyon ng Pagtatasa, Pag-iimbentaryo, at Pagmomodelo (The Assessment, Inventory, and Modeling, AIM) ng mga komprehensibong imbentaryo ng emisyon ng pinagmumulan para sa Bay Area at nagsasagawa ito ng pagmomodelo ng kalidad ng hangin sa rehiyonal at pangkomunidad na lawak. Naghahanda ang AIM ng mga teknikal na pagtatasang sinusuri ang kapantayan sa mga pagkakalantad sa polusyon sa hangin at epekto sa kalusugan bilang suporta sa mga programa ng Distrito ng Hangin. Nagsasaayos at nagpapatupad ang AIM ng mga programa para mapahusay ang at maiulat ang mga pagtataya sa mga emisyon ng mga pamantayang nagpaparumi, nakalalasong nagkokontamina sa hangin, at nagpaparuming pumupuwersa sa klima. Ang AIM ay nagtatasa ng mga emisyon ng, konsentrasyon ng, at pagkakalantad sa mga nakalalasong nagkokontamina sa hangin, particulate matter, ozone, at mga pinagmulan ng mga ito, para masuportahan ang mga inaasintang estratehiyang babawas sa mga epekto ng polusyon sa hangin sa rehiyon at sa loob ng mga komunidad.

Mga Komunikasyon

Ang Opisina ng Mga Komunikasyon ay nag-uulat ng mga balita at impormasyon tungkol sa mga pagsisikap ng Distrito ng Hangin sa publiko at media. Pinapamahalaan ng Mga Komunikasyon ang mga programa ng pakikipag-ugnayan hinggil sa gawi gaya ng Iligtas ang Hangin at 1-800-EXHAUST. Bilang karagdagan sa mga inilalabas sa media, inilalathala ng opisina ang Air Currents newsletter at iba pang publikasyon para sa pangkalahatang publiko, at pinapangasiwaan nito ang pag-aanunsiyo at mga relasyon sa publiko para sa mga programa ng Distrito ng Hangin.

Proteksiyon ng Komunidad

Pinatutupad ng seksiyong Proteksiyon ng Komunidad ang Plano ng Partisipasyon ng Publiko ng Distrito ng Hangin. Pinangangasiwaan nito ang mga pagpupulong ng komunidad, at isinasaayos nito ang lokal na pagpapaganda sa hangin Mga Tagatulong na Pangkat ng Iligtas ang Hangin at mga aktibidad ng pakikipag-ugnayan sa kabataan. Ang Seksiyon sa Proteksiyon ng Komunidad ay bumubuo ng Konseho ng Komunidad at Programa ng Gawad sa Komunidad. Ang seksiyon sa Paglahok ng Komunidad ay humaharap sa publiko, mga negosyo at lokal na gobyerno habang ang Distrito ng Hangin ay nagtatrabaho upang protektahan ang pampublikong kalusugan, pabutihin ang kalidad ng hangin at protektahan ang pandaigdig na klima.

Pagsunod at Pagpapatupad

Ang Dibisyon ng Pagsunod at Pagpapatupad ay tumutulong sa mga kompanya na sumunod sa mga tuntunin at regulasyon sa kalidad ng hangin sa pamamagitan ng pag-aalok ng edukasyon, patnubay, at tulong na teknikal. Tinitiyak ng mga tauhan sa inspeksiyon ng Dibisyon ng Pagsunod at Pagpapatupad na ang mga kompanya ay sumusunod sa mga regulasyon at tumutugon sa mga reklamo. Kapag ang mga kompanya ay hindi nakakatugon sa mga iniaatas na kalidad ng hangin, ang dibisyon ay gumagawa ng aksiyon na angkop sa paglabag.

Inhinyeriya

Tinatasa ng Dibisyon ng Inhinyeriya ang mga aplikasyon para sa permiso at pagpapanibagong bisa ng permiso para sa kagamitan at mga pagpapatakbong bumubuga ng mga nagpaparumi sa hangin sa hurisdiksiyon ng Distrito ng Hangin. Responsable ang dibisyon para sa iba pang programang nauugnay sa mga pasilidad na may mga permiso sa kalidad ng hangin, kabilang ang - pero hindi ito nalilimitahan sa - imbentaryo ng mga emisyon at mga programa ng nakalalason sa hangin. Ang dibisyon ay nagbibigay ng teknikal na suporta sa iba pang programa ng ahensiya at tumutulong sa mga negosyo, pangkalakalang kapisanan, ahensiya, pangkaligtasang pangkat, at miyembro ng komunidad na may mga isyu kaugnay ng pagbibigay ng permiso at pagsunod.

Ehekutibo

Ang Opisina ng Tagapagpaganap ay nagbibigay ng mga serbisyo ng suporta sa mga tauhan ng konseho ng tagapagpaganap, Lupon ng mga Direktor, Konseho ng Pagpapayo, at Lupon ng Pagdinig. Pinamamahalaan ng pangkat na ito ang paghahanda at pagpapatupad ng mga pagpupulong ng Lupon, Komite, at Konseho.

Pananalapi

Responsable ang Opisina ng Pananalapi para sa pagpapanatili ng pangangasiwa ng pananalapi at mga pinansiyal na aktibidad para sa Distrito ng Hangin. Pinapamahalaan ng opisina ang accounting, mga babayarang account, matatanggap na account, at paghahanda sa taunang badyet at mga pinansiyal na ulat.

Human Resources

Responsable ang Opisina ng Human Resources para sa pagkuha at pagpili ng tauhan, mga benepisyo ng empleyado, pasahod, pagsasanay at pagpapaunlad ng organisasyon, kaligtasan at kalusugan, at mga ugnayang pantrabaho.

Mga Serbisyo para sa Impormasyon

Ang Dibisyon ng mga Serbisyong Impormasyon ay namamahala at sumusuporta sa mga pangangailangan sa teknolohiya ng Impormasyon ng Distrito ng Hangin, kabilang ang lahat ng mga pagpapatakbo ng teknolohiya, impra-istruktura, at mga sistema ng datos.

Pambatas

Ang Dibisyong Pambatas ay nagbibigay ng payong pambatas at pagkatawan sa mga tauhan ng Distrito ng Hangin, sa Lupon ng mga Direktor, sa mga Komite ng Lupon, sa Tagapagpaganap na Opisyal, at sa Konseho ng Pagpapayo. Ang Dibisyong Pambatas ay kumakatawan din sa Distrito ng Hangin sa paghahabla at sa mga bagay na inihaharap sa Lupon ng Pagdinig. Sa ilang mga kaso, ang Dibisyong Pambatas ay namamahala ng tagalabas na abugado na kumakatawan sa Distrito ng Hangin.

Meteorolohiya at Pagsukat

Sinusubaybayan at sinusuri ng Dibisyon ng Meteorolohiya at Pagsukat ang kalidad ng hangin sa buong Bay Area, kabilang ang mga operasyon ng pagsubaybay sa mga pasilidad na pang-industriya. Ang Dibisyon ng Meteorolohiya at Pagsukat ay nagtataya rin ng rehiyonal at lokal na kalidad ng hangin araw-araw batay sa 33 istasyon ng pagsubaybay nito at mga meteorolohikal na pagsukat. 

Pagpaplano at Proteksyon sa Klima

Ang Dibisyon sa Pagpaplano at Proteksiyon ng Klima ay bumibilang at nagsusuri ng mga pinanggagalingan ng pagpaparumi sa hangin at mga gas ng greenhouse, naghahanda ng mga plano upang tugunan ang mga pamantayan sa kalidad ng hangin, tumutukoy at nagpapagaan sa lokal na mga epekto ng pagpaparumi sa hangin sa pamamagitan ng Programang Pagtaya ng Panganib ng Hangin sa Komunidad (Community Air Risk Evaluation, CARE), at tumutulong sa mga lungsod at county sa mga lokal na programa sa kalidad ng hangin at klima kabilang ang Batas sa Kalidad ng Kapaligiran ng California (California Envionmental Quality Act, CEQA). Iniuugnay ng Dibisyon ng Pagpaplano at Proteksiyon ng Klima ang integrasyon ng proteksiyon ng klima sa kalidad ng hangin at mga plano at programang pangkalusugan ng Distrito ng Hangin.

Sistema ng Produksiyon

Ang Opisina ng Sistema ng Produksiyon ay binubuo ng tatlong seksiyon: Mga Online na Serbisyo, Mga Serbisyo sa mga Datos, at My Air Online. Pinapamahalaan ng Mga Online na Serbisyo ang mga website ng Distrito ng Hangin para matiyak ang access ng publiko sa impormasyon, kabilang ang mga datos ng kalidad ng hangin, alertong pangkalusugan, permiso sa hangin, at regulasyon. Ang Mga Serbisyo sa Mga Datos ang namamahala ng impormasyon kaugnay ng proseso ng aplikasyon para sa permiso, pagpapanibagong bisa, at pagpaparehistro ng Distrito ng Hangin, kabilang ang pag-iimbak, pagbawi, at pag-uulat, pati na rin integrasyon ng sistema at pamamahala sa legacy na mga datos. Pinapamahalaan ng My Air Online ang disenyo, pagbuo, at pagpapatupad ng mga aplikasyon ng enterprise na nakabase sa web na sumusuporta sa mga programa ng pagbibigay ng permiso, pagpapatupad, at pagsunod ng Distrito ng Hangin. 

Mga Tuntunin at Estratehikong Patakaran

Bumubuo at nagbabago ang Dibisyon ng Mga Tuntunin at Estratehikong Patakaran ng mga tuntunin ng Distrito ng Hangin para makapagbigay ng mga pagbawas sa emisyon para matugunan ang mga hangarin sa kalidad ng hangin at klima.

Mga Estratehikong Insentibo

Ang Dibisyon ng Mga Estratehikong Insentibo ay nag-aalay ng mga pinansiyal na insentibo para sa mga proyektong nagpapabuti ng kalidad ng hangin, nagbabawas ng mga epekto sa kalusugan ng kalidad ng hangin, at nagpoprotekta sa pandaigdig na klima. Ang Dibisyon ng Mga Estratehikong Insentibo ay nagpopokus sa pagbawas sa mga pamantayang tagapagparumi at mga gas ng greenhouse sa pamamagitan ng mga gumagalaw na pinanggagalingan at may mababa o walang emisyon na mga proyektong transportasyon. Ang Dibisyon ng Mga Estratehikong Insentibo ay nangangasiwa ng humigit-kumulang na 1,000 proyekto na pinopondohan ng pang-estado, pederal, at lokal na mga tagatulong bawat taon.

Pagpapatupad ng Teknolohiya

Pinangangalagaan ng Opisina ng Pagpapatupad ng Teknolohiya ang mga pakikisosyo sa pagitan ng mga bumubuo ng teknolohiya at customer at nag-aalok ito ng mga gawad at utang para sa mga teknolohiyang mababa sa karbon para sa mga sektor ng industriya at transportasyon para mapabilis ang pagkilos para sa klima.

docked-alert-title

Last Updated: 7/1/2020