Patakaran sa Pagkapribado

Ang mga kasanayan sa pagkapribado ng Air District ay may layuning protektahan ang iyong pagkapribado sa online. Alamin kung paano namin kinukuha, ginagamit at pinoprotektahan ang iyong impormasyon.

Mga Impormasyon na Kinukuha Namin

Kinukuha namin ang dalawang uri ng impormasyon:

  1. Personal na impormasyon na ibinabahagi mo kapag nagpapadala ka ng email, nagsasagot ng form, lumalahok sa isang survey o katulad na aktibidad.
  2. Impormasyon sa pagsubaybay na kinukuha habang nagna-navigate ka sa aming site.

Paggamit ng Personal na Impormasyon

Kabilang sa personal na impormasyon ang anumang ibinabahagi mo na maaaring gamitin para makilala ka, tulad ng iyong pangalan, address, email address, petsa ng kapanganakan, impormasyon ng account sa bangko, impormasyon ng credit card o katulad.

Kumukuha lang kami ng personal na impormasyon kung kinakailangan para ibigay ang aming mga serbisyo. Halimbawa, maaari kang mag-apply para sa isang pahintulot, irehistro ang kagamitan, magbayad ng mga fee, o mag-sign up para makatanggap ng mga alerto o iba pang impormasyon sa aming website. Karaniwan, ang mga serbisyong ito ay hinihiling na magbigay ka ng personal na impormasyon, tulad ng iyong pangalan, email address at sa ilang mga pangyayari, isang password para ma-access ang account. Para sa mga serbisyong kinabibilangan ng mga pahintulot, pagpaparehistro o mga pagbabayad, karaniwan kailangann g karagdagang impormasyon.

Kinukuha namin ang iyong email address para matulungan ka nang mas mabuti, tulad ng pagsagot sa iyong email, pagpapadala sa iyo ng hiniling na impormasyon, o bilang paraan ng pagkilala sa iyo o sa iyong account. Sa ilalim ng ilang pangyayari, maaari naming ipasa ang iyong email sa ibang ahensiya para sa naaangkop na aksyon.

Para sa mga transaksyon na kinabibilangan ng mga pagbabayad, dadalhin ka sa isang external na website ng kontratista para sa ligtas na pagpoproseso ng pagbabayad. Ang mga personal na impormasyon (tulad ng mga numero ng credit card) na kinukuha sa pamamagitan ng external website ay pangangasiwaan ng patakaran sa pagkapribado ng website at ng pederal na batas at batas ng California kaugnay sa ganitong uri ng transaksyon.

Paggamit ng Impormasyon para sa Pagsubaybay

Awtomatiko naming kinukuha at ini-store ang impormasyon para sa pagsubaybay kapag bumibisita ka sa aming site sa pamamagitan ng paggamit ng "cookies.” Ang cookie ay mayroong natatanging impormasyon na magagamit para masubaybayan ang Internet Protocol (IP) address ng iyong computer, software ng browser at operating system. Maaari rin nitong subaybayan ang petsa at oras noong in-access mo ang site at ang Internet address ng website kung saan ka umugnay sa aming site. Ang cookies na ginagawa gamit ang website na ito ay walang personal na kumikilalang impormasyon at hindi kinokompromiso ang iyong pagkapribado o seguridad.

Gumagamit kami ng impormasyon para sa pagsubaybay para pagandahin ang aming mga serbisyo sa web at tulungan kaming maunawaan kung paano ginagamit ng mga tao ang aming site. Hindi ka personal na kinikilala ng impormasyong ito.

Humihingi kami ng feedback para tulungan kaming pagandahin ang aming website. Ang impormasyong ibinabahagi mo kapag kinukumpleto ang aming opsyonal na online feedback form ay ginagamit para tulungan kaming pagandahin ang aming website, at maaaring ibahagi sa mga empleyado at kontratista ng Air District para sa layuning iyon.

Paano Namin Pinoprotektahan ang Iyong Impormasyon

Hindi ibinibenta ng Air District ang anumang personal na impormasyon. Ang anumang impormasyon na ibinabahagi namin, tulad ng sa isang kontratista ng Air District na namamahala ng mga transaksyon ng pagbabayad, ay lilimitahan sa layunin kung bakit mo ibinigay ang impormasyon.

Nililimitahan ng Air District ang access ng empleyado at kontratista sa iyong impormasyon. Ang mga empleyado at kontratista ay dapat protektahan ang pagiging kumpidensyal at sasailalim sa pagdidisiplina, pagpapaalis sa trabaho at legal na aksyon kung hindi nila ito gagawin.

Ang aming mga website log ay hindi kinikilala ang mga bisita ayon sa personal na impormasyon, at hindi namin sinusubukang iugnay ang iba pang kumikilalang impormasyon sa o mula sa aming mga website log.

Ang lahat ng personal na impormasyon na isinumite sa pamamagitan ng aming mga online na form ay naka-encrypt gamit ang magagamit na pinakamataas na antas ng pag-encrypt (maliban sa impormasyong natanggap sa pamamagitan ng aming form para sa Pagpaparehistro ng Pang-agrikulturang Makinang Gumagamit ng Diesel) at ini-store sa isang database bilang naka-encrypt na impormasyon. Hindi namin ini-encrypt ang papasok na email o ang impormasyong isinumite sa pamamagitan ng feedback form, kaya hindi ka dapat magpadala sa amin ng mga sensitibong impormasyon sa pamamagitan ng mga paraan na ito.

Gumagamit kami ng mga karaniwang pamamaraan sa seguridad para matiyak na hindi mawawala, magagamit sa maling paraaan, mababago o masisira ang iyong personal na kumikilalang impormasyon. Gumagamit din kami ng mga software program para subaybayan ang trapiko sa network at kinokontrol ang mga walang pahintulot na pagsubok na i-upload o baguhin ang impormasyon, o kaya ay maaaring magdulot ng pinsala.

Ang Iyong Mga Pagpipilian para sa Pagkapribado

Ang layunin namin ay maging malinaw tungkol sa impormasyong kinukuha namin para makagawa ka ng mga personal na pagpili tungkol sa pagkapribado.

Email

Kung nanaisin mong mag-unsubscribe sa mga newsletter ng Air District o baguhin ang iyong mga kagustuhan sa subscription, sundin ang mga instruksyon na nasa ibaba ng anumang email na matatanggap mo. Kung naniniwala kang nakatanggap ng email mula sa Air District bilang isang pagkakamali, mangyaring makipag-ugnayan sa Webmaster.

Gumagamit kami ng “mga web beacon” sa aming mga newsletter sa email para subaybayan ang pinagsama-samang bilang ng mga binuksang email. Ang web beacon ay hindi kumukuha ng anumang personal na kumikilalang impormasyon. Kung ayaw mong makatanggap ng mga mensahe sa email gamit ang mga web beacon, maaari mong piliing hindi makatanggap nito para makatangap ng mga email na nasa tekstong (hindi HTML) format.

Cookies

Maaari mong tanggihan o i-delete ang mga cookie file ng Air District mula sa iyong computer gamit ang iba't ibang paraan, tulad ng pag-aayos ng mga setting ng iyong browser para tanggihan ang cookies o i-clear ang cache ng iyong browser. Kung tatanggihan mo ang isang cookie, hindi ka nito pipigilan mula sa pag-access o paggamit ng aming site, bagaman ang ilan sa mga serbisyo sa web na umaasa sa cookies ay maaaring hindi magamit.

Pampublikong Pagsisiwalat ng Impormasyon

Tinitiyak ng Batas ng Mga Pampublikong Rekord ng California at ng iba pang batas ng estado at pederal na may karapatan ang publiko na matingnan ang ilang rekord at impormasyon ng pamahalaan. Ang lahat ng impormasyong kinukuha sa site na ito ay magiging pampublikong rekord, na maaaring sumailalim sa pag-access at pag-photocopy ng publiko, maliban na lang kung may gagamiting eksempsyon. Kasama sa mga eksempsyon ang pagbabahagi ng impormasyon na ituturing na panghihimasok sa personal na pagkapribado. Poprotektahan ng Air District ang pagkapribado ng indibiduwal at tatangging ibahagi ang nasabing impormasyon. Gayunpaman, ang hindi personal na impormasyon na hiniling o na kusang-loob ay pampublikong rekord kapag naibahagi na.

Impormasyon ng Air District

Ang website na ito ay maaaring i-link sa o mula sa iba pang external website. Gagamitin lang ang patakaran sa pagkapribado na ito sa website na ito at hindi kasama ang iba pang site na naka-link sa website na ito. Kapag nag-browse ka sa ibang website, ang patakaran sa pagkapribado ng website na iyon ang namamahala sa pagtrato sa iyong impormasyon.

Para sa mga tanong o komento tungkol sa patakaran sa pagkapribadong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Webmaster.

Air District Webmaster

415 749-5068

docked-alert-title

Last Updated: 3/7/2022