Pag-charge sa Iyong EV

Languages:

Alamin kung paano ka puwedeng magkwalipika para sa charger sa bahay at iba't ibang uri ng charger na puwedeng gamitin sa mga de-kuryenteng sasakyang Plug-In Hybrid, De-baterya, at Fuel Cell.

Paunawa sa Programa: Simula sa Enero 1, 2022, kakailanganin na ng pag-install ng electric vehicle charger ng mga electrician na sertipikado sa Programa ng Pagsasanay sa Imprastruktura ng Electric Vehicle (Electric Vehicle Infrastructure Training Program, EVITP). Basahin ang Paunawa sa Programa para matuto pa.

Rebate sa Charger ng Electric Vehicle (EV)

Nag-aalok ang CCFA ng hanggang $2,000 na karagdagang pagpopondo para sa pag-install ng level 2 na charger sa bahay at hanggang $1,000 para sa level 2 na portable charger para sa iyong bago, nagamit na, o pinapa-lease na plug-in hybrid (PHEV) o battery electric vehicle (BEV). Available ang pondo sa first come first served na batayan, at nakadepende ito sa availability. May 60 araw ang mga kalahok para magsumite ng kahilingan sa pagtataya, at makakatanggap sila ng pag-apruba bago magsimula ang pag-install at pagbili sa charger. Dapat sumunod ang mga kahilingan para sa pag-reimburse ng nakumpleto nang pag-install at level 2 na charger sa lahat ng kinakailangan ng programa para manatiling kwalipikado sa incentive. Matuto pa sa pamamagitan ng pag-download sa Manual para sa Rebate sa Electric Vehicle Charger.

Rebate sa Pag-install ng Charger sa Bahay

Para makatanggap ng hanggang $2,000 para sa pag-install ng level 2 na charger sa bahay, nakabalangkas sa ibaba ang isang buod ng mga hakbang:

Alamin kung kwalipikado ka

  • Bumili ng PHEV o BEV na sasakyan sa pamamagitan ng Clean Cars for All.
  • I-dismantle ang luma mong sasakyan sa pamamagitan ng isa sa aming mga awtorisadong Dismantler.

Magsumite ng Kahilingan sa Pagtataya

  • Kumuha ng pagtataya sa isang lisensyadong contractor at technician na sertipikado sa EVITP.
  • Magsumite ng Form ng Buod ng Pagtataya sa Pag-install ng Charger sa Bahay na may mga pansuportang dokumento para sa pag-install, istasyon para sa pag-charge, at permit sa Clean Cars for All para sa pag-apruba.
  • Makatanggap ng nakasulat na pag-apruba para makapagpatuloy sa pag-install (pag-apply para sa permit, pagbili ng mga materyales, at pag-install sa istasyon para sa pag-charge).

I-install ang Iyong Charger sa Bahay

  • Pagkatapos makatanggap ng nakasulat na pag-apruba ng pagtataya, puwede nang magpatuloy ang lisensyadong contractor at technician na sertipikado sa EVITP sa pag-install (pag-apply para sa permit, pagbili ng mga materyales, at pag-install sa charger).

Humiling ng Reimbursement

  • Kumpletuhin ang pag-install at magsumite ng nasagutan nang Form ng Paghiling ng Reimbursement para sa Chager sa Bahay at Form ng Buod ng Invoice ng Pag-install ng Charger sa Bahay na may mga pansuportang dokumento.

Makatanggap ng Reimbursement

  • Kapag natanggap na ang nasagutan nang packet, posibleng abutin nang hanggang 90 araw bago ito maproseso at maipadala.

Rebate sa Portable Charger

Para makatanggap ng hanggang $1,000 para sa isang level 2 na portable charger, nakabalangkas sa ibaba ang isang buod ng mga hakbang.

Alamin kung kwalipikado ka

  • Bumili ng PHEV o BEV na sasakyan sa pamamagitan ng Clean Cars for All.
  • I-dismantle ang luma mong sasakyan sa pamamagitan ng isa sa aming mga awtorisadong Dismantler.
  • Kailangan ay may dati nang NEMA receptacle ang mga kalahok na sinu-supply ng isang nakalaang 208/240-volt supply circuit.

Magsumite ng Kahilingan sa Pagtataya

  • Magsumite ng Form ng Buo sa Pagtataya sa Portable Charger at mga pansuportang dokumento

Bilhin ang Portable Charger

  • Pagkatapos makatanggap ng nakasulat na pag-apruba ng pagtataya, bilhin ang portable charger at isaksak ito sa dati mo nang outlet.

Humiling ng Reimbursement

  • Magsumite ng napunan nang Form para sa Paghiling ng Reimbursement ng Portable Charger at mga pansuportang dokumento.

Makatanggap ng Reimbursement

  • Kapag natanggap na ang nasagutan nang packet, posibleng abutin nang hanggang 90 araw bago ito maproseso at maipadala.

Mga Uri ng EV Charger

May tatlong pangunahing uri ng mga charger na available: Level 1, Level 2, at Level 3 (o DC Fast). Ang naaangkop na charger sa iyo ay nakadepende sa sasakyan mo at sa kung saan ka nakatira at nagmamaneho. Kung pipili ka ng Hydrogen Fuel Cell na sasakyan, ang pag-refuel sa iyong sasakyan ay katulad na katulad lang ng pag-fuel ng sasakyang gumagamit ng gasolina o diesel, na may kaunting kaibahan lang. Matuto pa sa pamamagitan ng pagbabasa sa aming Handout sa Teknolohiya ng Electric Vehicle.

Antas 1
  • Pinakamabagal na pag-charge, karamihan ay pag-charge sa bahay
  • Nakasaksak sa standard na 120 volt plug
  • Ang average na tagal ng pag-charge ay 8 hanggang 15 oras
  • Mainam para sa pag-charge sa gabi
mga uri ng charger
Antas 2
  • Karaniwang EV charger, pag-charge sa bahay at pampublikong lugar
  • Kinakailangan ng paggawa ng electrician para magkabit ng 240 volt plug
  • Ang average na tagal ng pag-charge ay 3 hanggang 8 oras
  • Mainam para sa pag-charge sa trabaho, o iba pang destinasyon
mga uri ng charger
Antas 3* (o DC Fast)
  • Pinakamabilis na pag-charge, pampublikong pag-charge lang
  • Kailangan ng mga electrician para magkabit ng 480-volt transformer
  • Ang average na tagal ng pag-charge ay 20 minuto hanggang 1 oras
  • Mainam para sa mga mabilisang pag-top off sa mga biyahe
mga uri ng charger
Istasyon ng Hydrogen Fuel
  • Inaabot ang pagpapagasolina nang 5 minuto para sa humigit-kumulang 300 milyang layo
  • Katulad sa pagkakarga ng kotseng pinapagana ng gasolina
  • Maraming hydrogen station ang naka-collocat sa mga gasolinahan
  • Maghanap ng istasyon malapit sa iyo: https://cafcp.org/stationmap
mga uri ng charger
*Ang ilang EV ay hindi compatible sa mga DC Fast Charger.

GRID Alternatives

855.256.3656 CleanCars@gridalternatives.org

docked-alert-title